^

Metro

Manhunt ops vs 7 Taiwanese na kinasuhan ng qualified theft

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makaraang hindi su­mipot sa pagdinig sa korte sa kasong qualified theft nitong Setyembre, pitong Taiwanese ang isinailalim sa manhunt operation.

Ang  pitong Taiwa­nese ay nakilalang sina Alexander Tang, Richard Liao, Molly Tseng, Cathy Chuang, Hunto Chang, Cheng Fong Long, at Jack Pang. Sila’y mga opisyal at empleyado ng Chailease International Financial Services Ltd. Taiwan, na may tanggapan sa Makati.

Batay sa reklamo ng CAPP Industries Inc., ang pitong Taiwanese ay nakipagsabwatan umano kina Thierry Yung Hann Tea (a.k.a. Thierry Tea), Geoffroy Cahen, Ro­bert Reguero, at Matea Delen ng Philjets Aero Charter Corp., at  Lionel De Maupeou at Juha Pekka-Hoikka ng Airbus Helicopters Philippines Inc., upang nakawin ang Airbus Helicopter H130 na may registry number RPC 8625.

Dahil sa nakitang  probable cause ng Pasay RTC 108, agad na naglabas ng warrant of arrest ang korte noong September 28, 2021 at hold departure order noong October 4, 2021.

Ayon sa CAPP, hu­mingi na rin  sila ng  tulong sa Interpol para sa posibleng extradition katulong ang  Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group para sa ikadarakip ng lahat ng  mga  akusado  na ngayon ay nagtatago.

Naglabas din ng Notice to the Public para sa lahat ng posibleng may impormasyon sa kinaroroonan ng mga akusado.

QUALIFIED THEFT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with