^

Metro

NCRPO nagbabala sa paggamit ng mga recovered vehicles, wang wang

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
NCRPO nagbabala sa paggamit ng mga recovered vehicles, wang wang
Photo lifted from a video statement by Police Gen. Dionardo Carlos sent to reporters Monday, November 15.
PNP-PIO

MANILA, Philippines — Nagbabala si National Capital Regional Police Office chief, Major Gen. Vicente Danao, Jr. sa mga pulis na gumagamit ng  wang wang, blinkers at mga recovered evidence.

Ayon kay Danao, mahigpit na ipinagbabawal ang mga ganitong gawain kaya naman winawarni­ngan niya ang mga pulis na sumasalisi at gumagamit ng mga ito para sa kanilang personal na interes.

Ayon pa sa NCRPO chief na agad niyang ipasisibak ang sinumang pulis na mahuhuling gumagamit ng mga ito alinsunod na rin  sa kautusan ni PNP chief  Gen. Dionardo Carlos.

Paliwanag ni Danao, dapat na magsilbing ehem­plo ang mga pulis sa publiko upang maibalik ang  tiwala at respesto.

Ginagamit lamang ang mga wang wang at blinkers sa mga emergency, habang ipiniprisinta naman sa korte ang mga reco­vered evidence kabilang na dyan ang mga reco­vered vehicles.

Naunang ipinag-utos ni Carlos sa PNP Highway Patrol Group (HPG) na tugisin ang mga motorista maging law enforcement officers na gagamit ng sirens, blinkers at iba pang gadgets para sa walang kabuluhan.

“This is the very foundation of public service and one of the most definite ways to regain the trust and confidence of the citizenry to their police,” dagdag ni Danao.

VICENTE DANAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with