Alert Level 2 sa Metro Manila, hirit ni Abalos
MANILA, Philippines — Inihihirit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na muling pag-aralan sa paglipas ng isang linggo kung posible nang ilagay sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Abalos ito ay dahil sa 7.4% na daily attack rate ng COVID-19 cases na lamang ang Metro Manila, batay sa ebalwasyon ng Department of Health sa two-weeks data, na hindi naman pumasok sa requirement percentage na 7%.
Apela niya, sa halip na dalawang linggo, gawin na lamang na isang linggo ang reassesment.
“Ang dinudulog ko nga if it’s possible, imbes na two weeks, maghintay ng two weeks, baka in one week mag-7% baka lang pupuwede i-alert level 2 na once we attain that,” aniya.
Samantala, pabor din ang OCTA sa paglalagay na sa Alert Level 2 ng Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, suportado nila sakaling ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila para makabawi ang mga negosyo.
“So, iyon nga, we support iyong pag-relax sa Alert Level 2 para makabawi ang ating mga negosyo, pero we should do so in a safe manner,” ani David.
Related video:
- Latest