^

Metro

22 lumabag sa quarantine protocols, hinuli sa North Cemetery

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
22 lumabag sa quarantine protocols, hinuli sa North Cemetery
Nagsisimula nang magtungo ang ilan sa Barangka Public Cemetery sa Marikina City para bisitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago pa man ito isara sa darating na Oktubre 29 hanggang No­byembre 2.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Umabot sa 22 indibiduwal na lumabag sa ‘quarantine protocols’ ang hinuli at kinasuhan ng Manila Police District (MPD) nitong Linggo bilang bahagi nang mahigpit na pagbabantay sa Manila North Cemetery.

Sinabi ni MPD Director BGen Leo Francisco na karamihan sa hinuli ay walang suot o kaya naman ay mali ang pagsusuot ng face masks.

Patuloy pa rin naman ang pagdagsa ng mga tao sa naturang sementeryo na isasara umpisa sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2. Sinabi ni Francisco na nakapagtala sila ng 25,000 bisita nitong Linggo at 15,000 naman noong Sabado.

Ipinagbawal na ng pamunuan ng MNC ang pagpasok ng anumang uri ng sasakyan sa loob ng sementeryo ngunit malaya namang nakabibiyahe ang mga tricycle na may pila sa pangunahing gate nito.

Matatandaan na unang nanawagan si Manila City Mayor Isko Moreno sa publiko na agahan ang pagbisita sa kanilang mga kaanak sa mga sementeryo dahil sa pagsasara muli ng mga ito ngayong Undas upang maiwasan ang siksikan pa rin ng tao dahil sa pandemya.

Sa mga araw bago ang pagsasara, papayagan ang mga bibisita ng hanggang 10 tao lamang kada grupo.  Papayagan din ang kapasidad ng sementeryo hanggang 30% lamang.

Nagsagawa na rin ng operasyon ang MPD sa mga hagdan sa likuran ng sementeryo na ginagamit para makapasok ng tao kapalit ng bayad.

              

 

NORTH CEMETERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with