^

Metro

Drug den ni-raid: Tanod, 3 pa timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang barangay tanod na nagpapatakbo ng isang drug den sa Pateros City, kahapon.

Dinakip din ang tatlong iba pa na nadatnan sa target na drug den at nasamsam ang nasa 52.10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?357,000.

Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang mga nadakip na sina Marvin De Guzman, 44, brgy. tanod na siyang target ng operasyon;  Reynaldo Reyes, 52 ; Mark De Guzman, 42 at Renato  Tavira, 38.

Sa ulat, nagawang makabili ng nagpanggap na buyer ng shabu sa suspek na si Marvin sa P. Rosales St., Brgy. Sta Ana, Pateros, dakong alas- 4:30 ng hapon ng Huwebes at agad inaresto kasama ang iba pang suspek na pinaniniwalaang mga kasabwat.

Samantala, dakong-alas 10:30 ng umaga nang maaresto naman sina Mary Ann Pascual, 29; Junie Tumonong, 45; Marissa Gatchalian, 48; pawang nasa drug watchlist ng Pasay Police, sa isinagawang buy-bust operation sa  Estrella St., Brgy. 14, Zone 1, kung saan nakumpiska ang nasa 3.13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?21,284.00.

Bandang alas- 7:20 ng gabi nang maaresto naman ng Muntinlupa Police-Drug Enforcement Unit sa PNR site Purok 3, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City, ang isang Sofronio Cabanting Jr, alyas Kamote, 39, na may hawak na isang medium size na sachet ng shabu.

Ang mga suspek ay isasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic ct 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

TANOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with