^

Metro

114 katao sa kumbento, nagpositibo sa COVID-19

Pilipino Star Ngayon
114 katao sa kumbento, nagpositibo sa COVID-19
Ayon sa City Epidemio­logy and Surveillance Unit ng QC Health department, sa 114 katao sa kumbento ang tinamaan ng virus na karamihan ay mga madre.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Nasa ilalim  na ng special concern lockdown ang  Religious of the Virgin Mary convent na matatagpuan sa  N. Domingo street  sa Kaunlaran sa New Manila Quezon City, makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 114 indibidwal sa  naturang kumbento.

Ayon sa City  Epidemio­logy and Surveillance Unit ng QC Health department, sa 114 katao sa kumbento ang tinamaan ng virus na karamihan ay mga madre.

Ayon sa CESU, sa mga nabanggit, 22 ay asymptomatic, 86 ay  mild,  4 ay  moderate at dalawa ay severe na ngayo’y kinakalinga sa ICU ng infirmary.

Sinasabing maaaring nakuha umano ang virus mula sa isang driver o messenger ng kumbento na la­ging lumalabas para bumili ng pagkain at kumukuha ng mga dokumento.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasailalim sa swab test ng CESU sa iba pang mga nakatira sa naturang kumbento  matapos maka-close contact ang unang nagka- COVID dito.

Kamakailan lamang ay nauna nang ini-lockdown ang isang ampunan sa lungsod nang makumpirmang may 122 indibidwal dito ay nagpositibo sa COVID kabilang ang 99 na  mga kabataan.

Ayon naman kay Mayor Joy Belmonte, nakatutok sila ngayon sa mga enclosed na lugar sa lungsod kung saan dito nakikita nila ang pagtaas ng mga kaso ng COVID.

Ipinag-utos niya sa  CESU na dapat na mapanatili sa mga lugar na ito na naipapatupad ang health protocols.

CESU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with