^

Metro

Distribusyon ng ayuda sa NCR, higit 98% na – DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Distribusyon ng ayuda sa NCR, higit 98% na – DILG
Sa isang taped brie­fing nitong Sabado, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na natapos nang ipamahagi ng mga local government units (LGUs) sa NCR ang may P11,075,148,000 para sa may 11,075,148 benepisyaryo.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa 98.39% na ang distribusyon ng enhanced community quarantine (ECQ) cash aid sa mga benepisyaryo nito sa Metro Manila o National Capital Region (NCR).

Sa isang taped brie­fing nitong Sabado, sinabi ni Año na natapos nang ipamahagi ng mga local government units (LGUs) sa NCR ang may P11,075,148,000 para sa may 11,075,148 benepisyaryo.

Aniya, halos karamihan naman sa mga LGUs ay naka-100% completion na sa kanilang distribusyon.

Matatandaang una nang namahagi ang pamahalaan ng tig-P1,000 o P4,000 maximum na tulong pinansiyal para sa mga low-income indivi­duals at families na apektado ng ECQ na ipinairal sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.

Bilang bahagi ito nang pagsusumikap ng pamahalaan na mapabagal ang pagkalat ng CO­VID-19, partikular na ang Delta variant nito.

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with