^

Metro

LRT-2, nagpatupad ng limitadong biyahe dahil sa technical problem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe o provisional service sa kanilang linya kahapon ng hapon matapos na dumanas ng problemang teknikal.

Sa paabiso ng LRT-2, dakong alas-3:15 ng hapon nang simulang ipatupad ang provisio­nal service mula Cubao Station sa Quezon City hanggang Santolan Station sa Pasig City at pabalik, at mula Santolan Station hanggang Antipolo Station.

Hindi naman na ni­linaw ng LRT-2 kung ano ang problemang teknikal na dinanas ng kanilang linya ngunit tiniyak na nagsasagawa na sila ng trouble shooting upang masolusyunan ito.

Pagsapit naman ng alas-4:35 ng hapon ay naibalik na rin ng LRT-2 sa normal ang operas­yon ng kanilang mga tren.

Ang LRT-2 ay bumibiyahe mula sa Claro M. Recto Avenue, sa Maynila hanggang sa Antipolo City.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with