^

Metro

Tanod na magpapabakuna utas, kaibigan malubha sa ambush

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tanod na magpapabakuna utas, kaibigan malubha sa ambush
Dead-on-the-spot si Rasul Samad, 33, may asawa, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) habang ginagamot sa ospital si Michael Ibrahim, 24, binata at mga residente ng Barangay Inug-ug, Pikit, Cotabato.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay tanod  habang malubhang sugatan ang  kaibigan nito na magpapabakuna lamang nang pagbabarilin  ng  hindi pa nakikilalang mga  suspek kahapon ng  umaga sa Pikit, Cotabato.

Dead-on-the-spot si Rasul Samad, 33, may asawa, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) habang ginagamot sa ospital si Michael Ibrahim, 24, binata at mga residente ng Barangay Inug-ug, Pikit, Cotabato.

Batay sa report ng Pikit Police, minamaneho ni Samad ang motorsiklo angkas si Ibrahim patu­ngong bayan para magpabakuna laban sa Covid-19 pero pagsapit nila sa Barangay Dalingaoen, Pikit ay bigla na lamang silang tinambangan at pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan.

Tinamaan sa ulo at iba pang parte ng katawan si Samad na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis na isinugod sa ospital si Ibrahim dahil sa tama ng bala mula sa .45 kalibre na baril sa katawan.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung saan personal na alitan ang isa sa mga tinitignang motibo sa krimen. (

vuukle comment

PIKIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with