^

Metro

Drug den ni-raid, 8 arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Drug den ni-raid, 8 arestado
Kinilala ni Pasig City Police chief PCol Roman Arugay ang mga naarestong suspek na sina Carmen Lacuesta, 39, ; Camilo Retaga, alyas Milot , 44; Carlito Rivera, 53; Jeffrey Rivera, 30; Bernard Sanchez, 33; Darwon Lagao, 37; Amy Peruda, 42; at Domingo Duazo, 32.
Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang walong drug suspects sa ginawa nilang pagsalakay sa isang drug den sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Pasig City Police chief PCol Roman Arugay ang mga naarestong suspek na sina Carmen Lacuesta, 39, ; Camilo Retaga, alyas Milot , 44; Carlito Rivera, 53; Jeffrey Rivera, 30; Bernard Sanchez, 33; Darwon Lagao, 37; Amy Peruda, 42; at Domingo Duazo, 32.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, lumilitaw na dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa tahanan nina Lacuesta at Retaga na ginagawa umanong drug den ng mga ito na nasa Villa Patukod St., Nagpayong 1, Brgy. Pinagbuhatan.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa presensiya ng isang drug den sa naturang lugar.

Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)  kung saan naaktuhan ang mga suspect sa kanilang pagpa-pot session at bentahan ng ilegal na droga.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang may 9.5 gramo ng shabu na may street value na P64,600 at mga drug paraphernalia.

Nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip.

vuukle comment

JEFFREY RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with