^

Metro

Guro patay sa saksak, bugbog ng ex-student

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Guro patay sa saksak, bugbog ng ex-student
Batay sa imbestigasyon, Biyernes nang hapon nang isugod sa ospital ang biktimang si Raul Punzalan matapos na natagpuang puno ng saksak at pasa sa mukha, braso at binti ng kanyang kaanak at kapitbahay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang guro ng Tala High School matapos na saksakin at bugbugin ng kanyang dating estudyante sa Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon, Biyernes nang  hapon  nang isugod sa ospital ang biktimang si Raul Punzalan matapos na natagpuang puno ng saksak at pasa sa mukha, braso at binti ng kanyang kaanak at kapitbahay.

Nauna rito, dakong alas- 9 ng umaga nang mapansin  ng kapitbahay ng biktima ang pagdating ng isang lalaki at  nagsalita ng ‘sir”.  Lumilitaw na ang lalaking bisita ng  biktima ay dati nitong estudyante  at umano’y nobyo  na ngayon at nakilalang si Albert Guanlao.

Dito ay pinagbuksan ng pintuan ni Punzalan si Guanlao  hanggang  bandang alas- 2 ng  hapon ay napansin nila ang usok na nanggagaling sa loob ng  bahay ng una.

Pinilit na katukin ng kanyang mga kaanak at kapitbahay si Punzalan subalit hindi ito sumasagot kaya napilitan silang  sirain ang pinto ng bahay. Dito nila nakita ang  kalunus-luos na sinapit ng  biktima. Lumabas na sa ­ilong  at bibig ang  mga dugo habang puro black eye ang dalawang mata at namamaga ang  mukha.

Naisugod pa si Punzalan sa ospital subalit Sabado nang  bawian ito ng  buhay.

Ikinalungkot naman ng  mga kasamahan ni Punzalan  ang kanyang sinapit. Ayon sa kanyang mga kapwa guro mabait  ang biktima  na  dalawang dekada nang nagtuturo  sa nasabing eskuwelahan.

Sa follow-up operation nadakip naman si Guanlao na kinilala ng mga kapitbahay at kaanak na kausap ng  biktima bago maganap ang krimen.

Isasailalim sa drug test ang suspek habang ini hahanda ang kasong murder laban dito.

TALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with