^

Metro

Drive-thru community pantry sa PUVs driver, itinayo sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Drive-thru community pantry sa PUVs driver, itinayo sa Maynila
Sinabi ni P/Capt. Philipp Ines, Administrative officer ng Sampaloc Police Station, target nilang mabigyan ng ayuda ang mga jeepney, taxi at tricycle drivers kung saan lahat ng dumaan sa drive thru ay nabigyan ng libreng almusal at ayudang food packs.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Drive thru-community pantry ang itinayo ng Manila Police District Station 4 sa Sampaloc, Maynila para sa mga tsuper bilang tulong at pasasalamat sa kanila kasabay sa pagdiriwang kahapon ng Labor Day.

Sinabi ni P/Capt. Philipp Ines, Administrative officer ng Sampaloc Police Station, target nilang mabigyan ng ayuda ang mga jeepney, taxi at tricycle drivers kung saan lahat ng dumaan sa drive thru ay nabigyan ng libreng almusal at ayudang food packs.

May mga driver din na pumila at hindi na muna dinala ang kanilang sasakyan, pero pasok pa rin sila sa ayuda.

“Meron po silang sopas, itlog, tinapay at bottled water at kasama na rin po ang aming food packs: bigas, ­noodles at canned goods,”ayon kay Ines.

Tanda umano ito ng pagsaludo sa mga uring manggagawa sa sektor ng transportasyon kung saan kinilala ang ambag nila sa lipunan.

Bukod sa ayuda, nagpa-raffle rin sa mga tsuper at ang premyo ay katumbas ng kanilang boundary sa isang araw. Kaya marami ang natuwa dahil malaking bagay na anila ang mga ibinigay sa kanila.

PHILIPP INES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with