^

Metro

Bata na dadamputin ng MSWD, nag-ala-‘Spiderman’, tumulay sa kawad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mistulang nag-ala-Spiderman ang isang palaboy na batang lalaki makaraang manulay sa mga kawad ng telepono sa tapat ng Light Rail Transit 1 sa Taft Avenue, Maynila upang makatakas sa pagdampot sa kanya ng mga tauhan ng Manila Social Welfare Department (MSWD).

Naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga kung kailan nagkakasa ng operasyon ang mga tauhan ng MSWD para linisin ang mga kalsada sa mga palaboy na bata na inirereklamo ng mga motorista.

Naispatan ng mga social worker ang 12-taong gulang na itinago sa alyas na Boy na gumagamit ng solvent habang namamalimos sa kanto ng United Nations Avenue at Taft Avenue sa tapat ng LRT 1 UN Station.

Ngunit bago abutan ng mga social worker, nagtatakbo na sa may LRT station ang bata sa LRT station at umakyat sa kawad ng telepono saka doon naglambitin.

Nagpanik ang mga taong nakasaksi sa insidente kaya naman agad na rumesponde ang mga tauhan ng Manila Police District-SWAT na gumamit ng hagdan para maibaba ang bata sa kawad.

vuukle comment

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with