^

Metro

2 bar sa Makati ni-raid: 70 kostumer tinikitan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 bar sa Makati ni-raid: 70 kostumer tinikitan
Nabatid kay Lt. ­Exequiel Caluya, De­puty Sub Station Commander ng Poblacion Police Community Precinct na nakipag-ugna­yan sa kanila ang Makati Public Safety Department na siyang lead unit bago nila isinagawa ang raid kahapon ng mada­ling araw.
Miguel De Guzman

Hindi sumunod sa health protocols

MANILA, Philippines — Dalawang bar sa Makati ang sinalakay ng mga awtoridad kung saan nasa 60 hanggang 70 katao ang sinita at tinikitan dahil sa hindi pagsunod sa pinaiiral na health protocols.

Nabatid kay Lt. ­Exequiel Caluya, De­puty Sub Station Commander ng Poblacion Police Community Precinct na nakipag-ugna­yan sa kanila ang Makati Public Safety Department na siyang lead unit bago nila isinagawa ang raid kahapon ng mada­ling araw.

Dalawang high end bar ang tinungo ng pulisya kung saan natuklasan ang hindi nasusunod na health protocols partikular ang physical distancing.

Hindi naman ikinulong ang mga kostumer na kanila lang tinikitan at kailangang magbayad ng P1,000 multa.

Hindi pa malinaw kung ipapasara o anong kaso ang  posibleng iharap sa dalawang ni-raid na bar.

CALUYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with