^

Metro

3 huli sa drug ops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang inaresto sa isinagawang buy -bust operation sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang  mga nadakip na  Danilyn Ileto, alyas Ayhie, 31 ; Marvin Manalotoc, 30,  ang 16-anyos na estudyante na itinago sa pangalang Riza na umano’y kliyente ng mga suspect sa pagtutulak ilegal na droga.

Bandang  alas-2 ng madaling araw nang  isagawa ang buy-bust operation sa Demitillo St. sa nabanggit na lungsod kung saan nagawang makabili kay Ileto at Manalotoc ng  shabu ang isang undercover agent ng pulisya.

Nang tanggapin ng mga ito ang marked money ay agad na silang dinampot ng mga operatiba kasama ang dalagitang nakasabay ng mga ito sa pag-iskor ng shabu.

Nasamsam mula sa  mga suspect ang  3 gramo ng  shabu na nagkakahalaga ng  P20,400 ang halaga, buy-bust money, 3 cellphones at P470 cash na hinihinalang pinagbentahan ng mga ito sa droga.

vuukle comment

FERNANDO ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with