^

Metro

Sunog sa Tondo: 2 patay, 1 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Tondo: 2 patay, 1 sugatan
Nakilala ang mga nasawi na sina Florencia Hernandez, 88 at Consorcia Vasquez, 82, kapwa nakatira sa Sto. Cristo Street, Tondo. Nagtamo naman ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Atty. Santiago Hernandez, nakatira rin sa naturang bahay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizen ang nasawi habang isang abogado ang nasugatan makaraang maipit sa nasusunog  nilang bahay na naganap  sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Florencia Hernandez, 88 at Consorcia Vasquez, 82, kapwa nakatira sa Sto. Cristo Street, Tondo. Nagtamo naman ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Atty. Santiago Hernandez, nakatira rin sa naturang bahay.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, alas-3:20 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay na pag-aari ng pamilya Hernandez.  Agad na itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-3:31.

Alas-4:34 na ng madaling araw nang makontrol ng mga bumbero na kumalat pa ang apoy hanggang sa ganap na maapula dakong alas-4:52 ng madaling araw.

Nasa tatlong kabahayan ang nadamay ng sunog kung saan tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng pinsala.  May anim na pamilya naman ang nawalan ng tahanan ngayong Pasko. Nabatid na 13 firetrucks buhat sa BFP, 20 volunteer at isa buhat sa lokal na pamahalaan ang rumesponde sa insidente.

vuukle comment

FLORENCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with