^

Metro

Xander Ford nagpiyansa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Xander Ford nagpiyansa
Xander
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nakalaya na ang kontrobersyal na social media personality na si Xander Ford makaraang piyansahan ng kaniyang talent agency nitong Miyerkules ng hapon.

Naghain ng P18,000 halaga ng piyansa ang Star ­Image Artist Management para pansamantalang makalaya si Xander, Marlou Arizala sa totoong buhay, buhat sa kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act.

Inaresto si Arizala sa isang restoran sa Pasay City nitong Martes ng gabi sa bisa ng warrant of arrest laban sa kaniya.  Ito ay buhat sa kasong isinampa sa kaniya ng dating kasintahan na si Ysah Cabrejas.

Ayon sa manager ni Arizala na si Dave Cabawatan, mabigat sa loob nila na pumunta pa sa presinto para piyansahan ang celebrity dahil sa mga dating nagawang problema sa kanila.  Ngunit dahil sa magpa-Pasko ay hindi umano nila ito matiis.

Kung mapapatunayan naman sa paglilitis sa korte na nagkasala si Arizala ay hindi umano nila ito kukunsintihin.

Itinanggi naman ni Arizala ang mga paratang ng dating kasintahan at humihingi ng patawad dahil wala umano siyang nagawang kasalanan.

vuukle comment

XANDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with