10 food delivery rider biktima ng pekeng booking
Sa Las Piñas uli
MANILA, Philippines — Sampung food delivery rider ang dumating sa gate ng bahay ng isang pamilya nitong Lunes kahit hindi naman umoorder at hindi rin gumagamit ni minsan ng food deliver servive app ang nakatira dito.
Nagulat ang isang 59-anyos na ginang na hindi na nagpabanggit ng pangalan, nang dagsain ng delivery ng iba’t ibang uri ng pagkain na umabot sa halagang P20,000 kanilang bahay sa BF Resort Village, sa Las Piñas City, nang magpahayag sa media kahapon.
Sa awa ng ginang sa food delivery riders ay pinagbabayaran niya ang mga dumating na pagkain sa kaniyang address subalit nakapangalan sa isang Marl Dela Cruz.
“Sa totoo lang po, hindi po kami gumagamit ng mga food delivery service app kaya nagulat na lang po kami sa mga dumating na rider,”anang ginang.?
Nanawagan din siya sa mga awtoridad at sa mga kumpanya ng food delivery service na hindi na maulit ang pangyayari.
Nais ng ginang na matulungan lang ang kaawa-awang mga rider na nabiktima ng mapanlinlang na umorder sa kanila sa kabila ng pandemya .
“Kung sino man ang tao ‘yan hindi magandang biro ang ginagawa at mahuli na sila. Tumulong lang ako para magising sila sa katotohanan,”anang ginang.
Matatandaang noong nakalipas na buwan din ay halos 10 food delivery riders ang nagkumpul-kumpol sa isang address sa Pilar Village, Las Piñas City ng isang nagpanggap na kustomer sa pangalang “ AJ Pande”.
Senior citizen naman ang nasorpresa sa mga dumating na delivery ng pagkain sa kanilang gate dahil wala silang inoorder na pagkain at hindi rin doon nakatira ang hinanap na isang AJ Pande.
- Latest