^

Metro

Libreng swab mass testing, aarangkada na sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Libreng swab mass testing, aarangkada na sa Maynila
Bukod sa mga drivers, nasa EO No. 39 din na kasama sa libreng swab tests ang mga kawani ng malls, hotels, restaurants at supermarkets, maging ang mga vendor sa public markets.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng ­Executive Order No. 39 ni Manila Mayor Isko Moreno para sa libreng swab mass testing para sa mga taong mas lantad at posibleng mahawaan ng virus subalit hindi kaya ng bulsa na  magbayad para rito.

Sinabi ng alkalde na target ng libreng  RT-PCR (real time-polymerase chain reaction) ang nasa 24,000 mga driver ng pedicab, jeepney, pedicab, tricycle at e-trikes.

Sa ulat sa kaniya ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje , nasa 300 na public utility drivers ang maaaring  isalang sa swab test kada-araw.

Kasama rin sa plano na ang mismong grupo ni Viaje ang magtutungo sa mga ‘pilahan’ ng mga sasakyan o terminal upang doon kunan ng swab.

Bukod sa mga drivers, nasa EO No. 39 din na kasama sa libreng swab tests ang mga kawani ng malls, hotels, restaurants at supermarkets, maging ang mga vendor sa public markets.

 

MASS TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with