^

Metro

Mag-asawa, anak sugatan sa bundol ng fire truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malubhang nasuga­tan ang isang mag-asawa, kanilang anak at isa pang pasahero nang mabundol ang sinasakyan nilang kotse ng isang rumaragasang trak ng bumbero kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Pawang isinugod sa Chinese General Hospital ang mga biktimang sina Dionisio Calahatian, 55; misis niyang si Ma. Luzon Calahatian, 54 at anak na si Harlyn Calahatian, 23, at si Mylene Anzano Moris, 23.

Kusang-loob namang sumuko sa mga pulis ang driver ng Nissan Condor fire truck na si Argelle Evans Cunanan.

Naganap ang aksidente dakong alas-9 ng gabi sa kanto ng M. Dela Fuente at Dapitan Sts. sa Sampaloc District.

Nabatid na sakay ang pamilya Calahatian at si Moris ng isang Kia Soluto (XOG 935) na minamaneho ni Dionisio at habang binabagtas ang M. dela Fuente Street sa panulukan ng Dapitan Street, dito nabundol ang kaliwang bahagi ng kanilang sasakyan ng fire truck na minamaneho ni Cunanan.

Nakaladkad pa ng ilang metro ang kot­se bago huminto at nag­resulta ng pagkakayupi ng kaliwang bahagi ng behikulo habang yupi din ang   bahagi ng trak. 

Matapos ang medico legal examination, dinala ng mga pulis si Cunanan sa istasyon kasunod ng pagsasampa ng kasong Multiple Physical Injuries at Damage to Property sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

FIRE TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with