^

Metro

Nang-hostage ng doktor sa East Ave. Medical Center nagpositibo sa COVID-19

Philstar.com

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang security guard na nambihag ng isang doktor sa East Avenue Medical Center (EAMC) noong ika-1 ng Hulyo, ayon sa mga ulat ngayong Biyernes.

Ang balita ay kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Debold Sinas. Dahil diyan, quarantine ang bagsak ng 10 pulis na nakasalamuha ng suspek na si Hilarion Achondo nitong Miyerkules.

Matatandaang hinostage ni Achondo, 51-anyos, ang isang doktor, 21-anyos, bago mag-6:00 a.m. nang umaga sa emergency room ng EAMC.

Basahin: Sekyung nagpapagamot nang-hostage ng doktor sa East Ave. Medical Center

Nadisgrasya kasi sa motorsiklo si Achondo kung kaya't kailangang magpa-ospital. Lumalabas na abala sa pag-aasikaso ng ibang pasyente and doktor nang biglang tutukan ng hiringgilya ng sekyu ang doktora sa leeg.

Agad namang naaresto ng pulisiya si Achondo matapos ang ilang minutong pakikipagnegosasyon ni Police Staff Sergeant Bienvenido Ribaya III.

"Nagkataon na maraming pasyente. Actually, bago nga siya i-turn over sa amin, talagang ginamot siya," saad ni Police Major Elmer Monsalve.

"Inaasikaso talaga... Walang hindi inaasikaso sa ospital noon. Kaya lang, sa dami naman noon, may kanya-kanyang turn kayo. Kaya nga kayo nakapila."

Kahit COVID-19 positive pala, makikita sa video na yakap-yakap ni Achondo and doktor habang tinututukan ng karayom sa leeg.

Sa ulat ng dzBB, sinabing nagreklamo hinggil sa paninikip ng dibdib si Achondo dahilan para dalhin siya sa Quirino Memorial Medical Center. Doon na nga lumabas na COVID-19 positive siya sa kanyang swab test.

Tinitignan din ngayon ang mga nakasamang pulis ng suspek kung na-contract nila ang nasabing nakamamatay na virus. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

HOSTAGE TAKER

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with