^

Metro

Curfew sa Pasay, pinaiksi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang maibalik ang sigla ng mga negosyo at ekonomiya, nagpasa ng ordinansa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay para ibalik sa alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw ang pinaiiral na curfew hours sa siyudad.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 6114 na ipinasa nitong Hunyo 19 at pinirmahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, inilagay na sa alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw ang curfew hours sa lungsod.

Ito ay buhat sa ipinatupad na alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw sa kasagsagan ng ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ sa Metro Manila.

Ang pagbabago ay para matulungan ang mga negos­yo na makabawi makaraang maraming establisimyento ang labis na naapektuhan dahil sa pandemya lalo na ang mga nasa negosyo ng pagkain at retail.

“We still have to observe health guidelines even as we stretch the number of operating hours for our local businesses as well as the travel time window for our city’s working population and those on important errands,” paalala ng alkalde.

EMI CALIXTO-RUBIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with