^

Metro

Dinukot na Chinese nasagip, 2 kababayan arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dinukot na Chinese nasagip, 2 kababayan arestado
Sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng pag­hingi ng saklolo si P/Maj Gideon Ines, hepe ng Station Investigation and Detective Ma­nagement Section (SIDMS) sa pamamagitan ng isang Chinese mobile application, ukol sa isang babaeng Chinese national na dinukot at ikinulong sa isang hotel.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasagip  ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang Chinese national na dinukot ng kanyang dalawang kababayan dahil sa utang sa isinagawang operasyon sa isang hotel sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasagip na si Ao Yuan, nanunuluyan sa Three Central Condominium, Valero St., Brgy. Bel-Air habang nadakip ang mga suspek na sina Zhou Meng, 26 at Tseng Yi-Ting, 25, kapwa nakatira naman sa Lerato Tower 1, Malugay St., Brgy Bel-Air, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng pag­hingi ng saklolo si P/Maj Gideon Ines, hepe ng Station Investigation and Detective Ma­nagement Section (SIDMS) sa pamamagitan ng isang Chinese mobile application, ukol sa isang babaeng Chinese national na dinukot at ikinulong sa isang hotel.

Dakong alas-9:40 kamakalawa ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang Unit ni  Ting sa Lerato Tower 1 sa Malugay Street, Brgy. Bel-Air kung saan nasagip ang biktimang si Ao at nadakip ang dalawang suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na may pagkakautang umano ang biktima sa dalawang suspek na siyang hinihinalang pangunahing motibo sa pagdukot.

Agad na dinala ang mga suspek sa Makati City Police Station habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong Illegal Detention sa kanila sa Makati City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

BEL AIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with