^

Metro

Ilang operasyon sa Ospital ng Malabon isasara

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ilang operasyon sa Ospital ng Malabon isasara
Ayon kay Oreta, hindi umano umamin habang ini-interview sa OSMAL ang pasyente na ang kanilang barangay ay naka-complete lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19 at may possible exposure siya sa virus.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Pansamantalang isasara simula ngayon ang ilang operasyon sa Ospital ng Malabon makaraang makasa-lamuha ang isang pasyenteng kapapanganak lamang na positibo sa COVID-19.

Ito ang inanunsiyo ni  Malabon City Mayor Lenlen Oreta matapos na isailalim ng mga health workers sa rapid tes-ting ang pasyente mula sa Brgy.12 Caloocan City.

Isasailalim din ito sa  swabbing  for confirmatory test.

Ayon kay Oreta, hindi umano umamin habang ini-interview sa OSMAL ang pasyente na ang kanilang barangay ay naka-complete lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19 at may possible exposure siya sa virus.

Nagpasiya na lamang ang mga health workers na suriin ang pasyente hanggang nalaman na positive ito sa virus.

Sinabi ni Oreta na ang city legal ay nasa proseso ng pagfi-file ng kaso sa naturang pasyente para sa violation of Section 9 of R.A. 11332.

Pansamantalang isasara ang buong 2nd floor ng  OSMAL kung saan tigil operasyon ang OB-Gyne Clinics, Pedia, delivery and surgical operations.

Magsasagawa na rin ng disinfection, contact tracing  at testing para sa mga posibleng nakahalubilo ng pasyente sa loob ng ospital.

Muling magbabalik ang full operation ng OSMAL sa Lunes,  May 25.

Ang lungsod ay may 98 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 at sa bilang na ito, 36 ang nakarekober, 15 ang nasawi habang 47 naman ang active cases.

COVID-19

LENLEN ORETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with