^

Metro

Killer ng ex-police chief naaresto ipinahamak ng Facebook

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang akusado sa pagpaslang sa isang da­ting opisyal ng pulisya sa Maynila ang naaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operation Group at Regional Mobile Force Batallion ng National Capital Region Police Office sa Sogod, Leyte kamakalawa.

Kinilala ni NCRPO Director P/Major Ge­neral Debold Sinas ang akusado na si Prelan A. Grama alyas “Allan” at “Kalbo” at kilala rin sa pangalang Allan Arciento na may nakabimbing mga kasong murder, carnapping, at Robbery sa Manila Regional Trial Court Branch  21.

Batay sa rekord, sangkot si Grama sa pagpatay noong Disyembre 27, 2015 kay retired P/Supt. Cipriano Herrera, dating hepe ng Manila Police District-Station 3 na kalaunan ay  tumakbo at naupong barangay chairman sa Maynila.

Sa pakikipag-ugna­yan ng RSOG at RMFB sa sa Regional Intelligence Unit-NCR at local police sa  Sogod, naisilbi kay Grama ang warrant of arrest dakong alas 7:00 ng gabi ng Mayo 16 sa Barangay Zone 5 sa nabanggit na bayan.

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Grama sa serye ng mga impormasyong nakuha sa kanyang social media account sa Facebook at sa ilang impormante na may 2-buwang isinailalim sa casing at surveilance ng RSOG at RMFB hanggang matunton sa nasabing lugar ang akusado na namamasukang construction worker doon.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with