Ayuda sa newsmen
MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang samahan ng mga mamamahayag na itinuturing na frontliners sa pagkober ng mga balita sa Southern Police District (SPD) sa ilang donors na nagkaloob ng ayuda sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.
Sinabi Ariel Dugoy Fernandez, Pangulo ng Southern Metro Press Club, na malaking tulong sa mga mamamahayag ang mga natanggap na ayudang food packs, bigas at cash.
Kabilang sa pinasasalamatan ng SMPC ang Metro Pacific Tollways Corporation sa pamamagitan ni Manny Agusto, Corporate Communication Specialist; Senator Bong Go; Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar at Undersecretary Joel Egco; Act CIS partylist Rep. Nina Taduran; National Press Club of the Philippines; Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, INC. (FFCCCII) at kasamahang reporter/businessman Mer Layson.
- Latest