^

Metro

2 preso ng Correctional, patay sa COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 preso ng Correctional, patay sa COVID-19
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), noong Lunes ay binawian na ng buhay ang 72-anyos na bilanggo na itinuturing na kauna-unahang inmate ng CIW na dinapuan ng virus.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Dalawang matandang inmate sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang kumpirmadong nasawi  dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), noong Lunes ay binawian na ng buhay ang 72-anyos na bilanggo  na  itinuturing na kauna-unahang inmate ng CIW na dinapuan ng virus.

Naisugod pa ito sa tatlong pagamutan bago tuluyang binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng sakit.

Nabatid na Abril 21 naman nang unang bawian ng buhay ang isang 61-anyos na CIW inmate dahil sa kidney failure, sepsis at pneumonia ngunit nitong Lunes din ay nakumpirmang positibo rin siya sa COVID-19.

Dahil naman sa naturang kumpirmasyon, sinabi ng BuCor na nasa 49 bilanggo   na ngayon ng CIW ang positibo sa virus.

Ang 47 pa namang CIW inmates na may sakit pa ay nananatili namang naka-isolate sa Site Harry ng Medium Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Tiniyak naman ng BuCor na nananatiling nasa stable condition ang mga ito at karamihan sa kanila ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng karamdaman.

Related video:

BUCOR

CIW

NEW BILIBID PRISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with