^

Metro

Dance instructor tiklo sa child abuse

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Dance instructor tiklo sa child abuse
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang suspek na si Christian Charlie Alarcon ng 22 Kaypandan St., Barangay Canumay West sa lunsod matapos siyang madakip ng mga opisyal ng naturang barangay dakong alas-6:50 ng gabi ng Sabado.
STAR/ File

Elementary students hinihingan ng nude photos para sa beauty pageant

MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na dance instructor  ng dinakip matapos lokohin ang tatlong batang babae na pinangakuan niyang ilalahok sa beauty pageant ng kanilang paaralan kapalit ng pagpapadala sa kanya ng kanilang mga larawang nakasuot lamang ng panty kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang suspek na si Christian Charlie Alarcon ng 22 Kaypandan St., Barangay Canumay West sa lunsod matapos siyang madakip ng mga opisyal ng naturang barangay dakong alas-6:50 ng gabi ng Sabado.

Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela police chief P/Col. Ferdinand Ortega, gumawa umano ng isang chat group sa Facebook messenger si Alarcon at inimbita ang ilang mga elementary student na nagkakaedad ng 11 hanggang 12-taong gulang.

Hinimok umano ni Alarcon ang mga kabataang estud­yante na magpadala sa kanya ng mga litrato nilang halos hubad o naka-panty lang ng kung nais na mapabilang sa paglahok sa isang timpalak kagandahan sa kanilang paaralan. Dalawa kaagad na kapwa 12-taong gulang ang tumugon.

Nang makita ni Alarcon ang larawan ng 11-anyos na biktimang itinago sa alyas “Cherry” na may angking kagandahan, hinimok niya ang bata na lumahok at magpadala sa kanya ng larawang nakasuot lamang ng panty at ipinadala pa ang retokado o “photo shop” na larawan ng isang 12-anyos na bata na unang tumugon sa panawagan na underwear lang ang suot.

Inakala naman ni Cherry na totoo ang larawan kaya kinausap niya ang kanyang tiyahin na kuhanan siya ng larawan na nakasuot lang ng panty at ipapadala sa suspek upang makalahok sa umano’y beauty pageant.

Nagduda naman ang tiyahin ng biktima kaya isinumbong niya ang hiling ng pamangkin sa lola nito na kaagad humingi ng tulong sa barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

DANCE INSTRUCTOR

SPECIAL PROTECTION AGAINST CHILD ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with