^

Metro

2 MMDA traffic enforcer huli sa kotong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 MMDA traffic enforcer huli sa kotong
Nahaharap sa reklamong robbery extortion ang mga suspek na kinilalang sina Darwin Reyes, 47, residente ng Pantoc Binangonan Rizal; at Elmer Balunsat, 38, kapwa MMDA traffic constable.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ang dalawang  traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga tauhan ng Makati Police matapos kotongan ang dalawang food delivery motorcycle rider sa Makati City, Biyernes ng hapon.

Nahaharap sa reklamong robbery extortion ang mga suspek na kinilalang sina Darwin Reyes,  47, residente ng  Pantoc Binangonan Rizal; at Elmer Balunsat, 38, kapwa MMDA traffic constable.

Sa ulat, dakong alas- 5:00 ng hapon kamakalawa nang maganap umano ang pangongotong ng dalawang suspek sa may EDSA Ayala Southbound loading/unloading Bay, sa Brgy. San Loren­zo, Makati City.

Sa reklamo ng mga biktimang sina Francis Vincent  Peria, 26, at Nino Paulo Aguda, 30, magdedeliber sila ng pagkain sa nasabing lungsod nang pagsapit sa nasabing lugar ay pinara sila at sinita ng mga suspect.

Ayaw umano silang padaanin kung hindi magbibigay ng pera kaya napilitan silang mag-abot sa dalawa.

Nang makalagpas ang dalawa ay nakita nila ang grupo ng pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa Arnaiz corner Park Square Drive at isinumbong ang dalawang kotongero.

Nang puntahan ang dalawa ay positibong itinuro sila ng dalawang rider na ang isa ay nanghingi ng P500 habang ang isa ay P100.

Narekober ang extortion money sa dalawang traffic enforce.

DARWIN REYES

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with