Holdaper todas sa shootout
MANILA, Philippines — Matapos na manlaban sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi ng maganap ang insidente habang naghihintay ng masasakyan ang babaeng negosyante na itinago sa pangalang Mary nang biglang lapitan ng dalawang suspek.
Mabilis na kinuha ng mga suspek ang cash ng biktima na mahigit na nasa P400,000 at alahas na nagkakahalaga ng P40,000.
Tiyempong nagroronda naman ang mga pulis kaya agad nakahingi ng tulong ang biktima.
Nakorner ng mga pulis ang suspek subalit sa halip na sumuko, nakipagbarilan ang mga suspek na ikinasawi ng isa na nakilala lamang sa alyas Michael at pagkakaaresto ng isa pa.
- Latest