^

Metro

‘Nagtutulog’ na brgy. officials, kakasuhan ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Nagtutulog’ na brgy. officials, kakasuhan ng DILG
Ang babala ay ginawa ng Interior Undersecretary Jonathan Malaya makaraang makakuha ng impormasyon na may mga barangay official ang takot lumabas ng kanilang tahanan at ayaw magtrabaho.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Binalaan ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kakasuhan nila ang mga tamad at nagtutulog na barangay official na hindi susunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Ang babala ay ginawa ng Interior Undersecretary Jonathan Malaya makaraang makakuha ng impormasyon na may mga barangay official ang takot lumabas ng kanilang tahanan at ayaw magtrabaho.

“Iyong iba po imbes na gumalaw, nasa social media, kung anu-anong sinasabi. Pero iyong iba naman, noong isang araw pa may purchase request para gumalaw na, nag-procure na at mayroon na silang sorting and preparation of food packs,” ani Malaya.

Sinabi ni Malaya, kapag natapos na ang problema sa COVID-19 ay ia-assess nila ang mga opisyal at kapitan ng barangay na babagal-bagal at kung sino sa kanila ang mahaharap sa kaso.

“We do not want sana to do this, pero hindi po talaga maganda ang naririnig namin sa ilang mga kapitan na parang pabaya, hindi po nila siniseryoso itong ­ating enhanced community quaran­tine,” pahayag pa ng DILG official.

Sa panig naman ng Local Governments Units (LGUs) ay marapat lamang na gamitin nila ang kanilang ‘quick res­ponse funds’ para magbigay ng supply na pagkain sa kanila-kanilang ‘indigent constituents’ sa unang baha­gi pa lamang ng ‘lockdown’.

Habang ang national govern­ment ay prayoridad ang pagtulong sa mga cities and towns tulad ng Marikina na mahirap kumpara sa ibang bayan.

“Mayroon na po tayong sistema na in place ngayon. Kailangan lang pong bilisan ng ating mga barangay kapitan, mayor ang kanilang galaw kasi kung ang sikmura na ang kumalampag, hindi po natin masisisi ang ating mga kababayan kung hindi po sila susunod doon sa ating mga patakaran,”  pahayag pa ni Malaya. 

BARANGAY OFFICIAL

JONATHAN MALAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with