^

Metro

Due date sa pagbabayad sa bills ng Manila Water, extended ng 30 days

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Due date sa pagbabayad sa bills ng Manila Water, extended ng 30 days
Ito ayon sa pamunuan ng Manila Water ay bilang tugon ng kompanya sa ipi­napatupad na enhanced community qua­rantine sa buong Luzon sa loob ng isang buwan.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines  — Mula araw ng due date ay extended pa ng 30 days ang araw ng takbang pagbabayad ng kanilang  bills sa tubig ng mga customers ng Manila Water.

Ito ayon sa pamunuan ng Manila Water ay bilang tugon ng kompanya sa ipi­napatupad na enhanced community qua­rantine sa buong Luzon sa loob ng isang buwan.

Ipapatupad ito sa mga billing na may due date na tatapat sa panahon ng quarantine. 

Ayon kay  Manila Water President at Chief Executive Officer Rene Almendras na mahalaga sa kompanya ang kapakanan ng mga kostumer  nito. 

“Pangunahin sa amin ang kapakanan ng aming mga customer habang lahat tayo ay nagtutulong-tulong upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19. Inaalala naming hindi na sila lumabas pa at makipag­sapalarang mahawaan upang makapagbayad lang. Hinihikayat namin silang sumunod sa utos ng Pangulong manatili sa bahay,” dagdag ni Almendras.

Gayunman, maaari pa ring gamitin ang online banking at iba pang online payment channels tulad ng GCash sa nais magbayad ng water bill nang hindi kailangang umalis ng customer ng kanilang bahay.

Tiniyak din ng Manila Water na lahat ng customer nito ay may sapat na suplay ng tubig, maliban na lamang sa mga lugar na  may emergency repairs o kinakailangang maintenance activity.

MANILA WATERS

RENE ALMENDRAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with