^

Metro

Top 6 ‘most wanted’ timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na nakaalpas pa sa batas ang isang lalaki na may kasong panggagahasa nang maaresto siya ng mga pulis makaraang bumalik sa kanyang bahay sa Navotas City kama­kalawa ng gabi.

Itinuturing na Top 6 “Most Wanted Person” sa Navotas ang naarestong suspek na kinilalang si Jaymart Gozon, alyas “Bench Evo”, nasa hustong gulang at nakatira sa No. 3 Dr. Bausa Street, Brgy. Bagumbayan South, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, isang 21-anyos na babae ang nagsampa ng kaso laban kay Gozon nang dalawang beses umano siyang gahasain nito noong Enero 3, 2019.

Dahil dito, nagtago si Gozon para makaiwas sa kaso. Pero makalipas ang higit isang taon, bumalik sa kanyang bahay ang suspek ngunit natunugan siya ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Navotas City Police na nagkasa ng operasyon. 

Hindi na nakapalag ang nasorpresang suspek nang posasan siya ng mga pulis bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Judge  Ronald Torrjos ng Branch 288 para sa dalawang bilang ng kasong Rape malapit sa kanyang bahay dakong alas-7 ng gabi.

vuukle comment

MOST WANTED PERSON

TOP 6

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with