^

Metro

‘Gagamboy’ sa mall huli sa pagnanakaw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Level-up na ang isang 26-anyos na tinaguriang “Gagamboy” na dating “Akyat-Bahay”  o sa mga bahay-bahay lamang nagnanakaw matapos na sa isang mall naman dumale subalit naaresto habang tangay ang nasa halos P1 milyong halaga ng cellphones at cash sa panulukan ng Felix Huertas  at Lacson Sts., Sta. Cruz, Maynila, sa ulat kahapon.

Sa ulat ni P/Captain Loreto Tigno, hepe ng Manila Police District-Theft and Robbery Section kay MPD Director P/Brig. Gen. Bernabe Balba, agad isinailalim sa inquest proceedings ang suspek na si Lester Malaluan ng Lope De Vega St., Sta Cruz, Maynila dahil sa paglabag sa Article 302 ng Revised Penal Code (Robbery in an Uninhabited Place) matapos ireklamo ng Quantum Amusement Park at Cellboy Sales and Services Inc.

Nitong Pebrero 26, nang respondehan ng grupo nina P/Staff Master Sgts’s. Dennis Bernabe, at Byron Orate; P/M Sgt. Manuel Pimentel, P/SSgt’s . Paul Robin Bautista, at Margarito Dequito, Michael Acedera, Ryan Paculan ang reklamo at itinurn-over sa kanila ang suspek na nakuhanan ng mga nakaw na cellphones na nagkakahalaga ng P896,780.00 at P9,500.00 cash na nakalagay sa backpack.

Nabatid na alas-6:00 ng gabi noong Martes nang umakyat ang suspek sa basketball machine ng Quantum at dumiretso sa kisame patungo sa kisame ng Cellboy at doon siya bumaba at kinuha ang iba’t ibang uri ng cellphone.

Kinabukasan, nagtaka ang mga guwardiya nang makita ang suspek na may dala-dalang bag na nagdudungis pa sa loob ng mall gayung kabubukas lamang ng mall kaya siya pinigil sa security office.

Kamakalawa nang iharap naman kay Manila Mayor Isko Moreno si Malaluan.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY

GAGAMBOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with