^

Metro

Technician ibinuko ng K-9 dog sa ‘kush’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Technician ibinuko ng K-9 dog sa �kush�
Sinabi ni Montejo na inaresto si Cabling ni Carl Jerome Caparas isang K-9 dog handler sa UP Diliman.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagsilbing susi ang matalas na pang-amoy ng isang K-9 dog matapos na maaresto ang isang computer technician ng high grade na marijuana sa operas­yon sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

 Nakilala ang nada-kip na si Charles Edward Cabling, 27 ng  Blk 3, Lot 3, Taurus St., Brgy. Banlat ng lungsod.

Sinabi ni Montejo na inaresto si Cabling ni Carl Jerome Caparas isang K-9 dog handler sa UP Diliman.

Ayon kay Caparas, bandang alas-2 ng madaling araw habang nagsasagawa siya ng pagpapatrulya  sa likod ng UP Main Library kasama ang kanyang K-9 dog na si Vodka nang madiskubre ang ‘kush’ o marijuana.

 Inupuan umano ni Vodka ang nakaparadang motorsiklo na napag-alamang pag-aari ni Cabling na agad naman niyang sinuri. Nakumpiska mula kay Cabling ang isang   ziplock ng tuyong dahon ng marijuana, isang metal tube pipe silver at glass pipe  dahilan para siya ay arestuhin ni Caparas.

vuukle comment

K9

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with