^

Metro

‘Tulak’ pumalag sa buy-bust, sugatan sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Tulak’ pumalag sa buy-bust, sugatan sa shootout
Ang tatlong dawit sa ilegal na droga matapos madakip ng mga tauhan ng Pasay City Police kung saan isa sa kanila ang nasugatan matapos na pumalag sa isinagawang buy-bust.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang drug suspect na target ng buy-bust operation makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Pasay City Police , habang dalawa pa ang nadakip, kahapon ng madaling araw.

Isinugod sa pagamutan ang sugatan na si Gerald Punzalan, alyas Gorio, 30, nasa drug watchlist ng pulisya, ng  Brgy. 14 Zone 2, ng naturang lungsod.

Kasama ring nadakip ang mga suspek na sina Michael Borja, 26, ng Baseco Compound, Port Area,  Brgy. 649 Manila at si Richard Dela Cruz, 28.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling araw sa kanto ng FB Harrison Street at Nuestra Seniora, Brgy. 5 Zone 2, Pasay City.  Isang buy-bust operation ang ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit kung saan target nila ang suspek na si Punzalan.

Matapos na magkabayaran, nakahalata ang suspek na may nakapaligid na pulis kaya naglabas umano ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.  Gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkakasugat nito.

Nakumpiska ng mga pulis ang nasa 4.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P31,280, isang baril,  anim na bala, dalawang basyo ng bala at P1,000 marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

GERALD PUNZALAN

MICHAEL BORJA

STATION DRUG ENFORCEMENT UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with