^

Metro

Basurero itinumba ng kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Basurero itinumba ng kapitbahay
Dead-on-the-spot ang biktimang si RogelioTomelden, residente ng Building 20, Temporary Housing, Aroma Compound.
STAR/File

MANILA, Philippines — Todas ang isang 29-anyos na basurero matapos malapitang barilin ng tatlong beses sa ulo ng nakaalitang kapitbahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa nang gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si RogelioTomelden, residente ng Building 20, Temporary Housing, Aroma Compound.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na agad tumakas matapos ang krimen na kinilalang si Rommel Bayarcal, 25-anyos, residente rin ng lugar.

Sa ulat ni P/Staff Sergeant Jorlan Taluban, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaslang sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na nag-aaway ang biktima at suspek subalit nang may mamagitan ay naawat naman sila.

Umalis ang suspek habang ang biktima ay pumasok ng bahay at doon nagpakalma.

Habang nag-uusap umano ang biktima at live-in partner nito ay muling lumutang ang suspek at tinabihan ang biktima sa pagkakaupo sa hagdanan.

Nauwi muli sa pagtatalo ang kanilang paghaharap hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at malapitang pinaputukan sa ulo nang tatlong beses ang biktima sa harap mismo ng kinakasama at kanilang anak.

vuukle comment

BASURERO

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with