^

Metro

Ama minaltrato ang mga anak, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang trike driver ang inaresto ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng pagmamaltrato sa mga anak nito at mahulihan ng drug paraphenalias sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Mismong sa loob ng barangay hall ng Brgy. Ibaba, sa nasabing lungsod inaresto ang suspek na kinilalang si Noli Azores, 42, matapos ireklamo ng pangmamaltrato sa kanyang mga anak, at mahulihan pa ng mga drug paraphernalia.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa loob mismo ng barangay hall ng Brgy. Ibaba.

Nauna rito, dinala ng mga awtoridad ang suspek sa barangay hall matapos na ireklamo ng kanyang dalawang anak nang umano’y pangmamaltrato sa kanila.

Nang kapkapan ay nakumpiskahan pa ang suspek sa kanyang bulsa ng isang karton na may lamang anim na nakarolyong aluminum foil, isang pirasong plastic sachet na may bakas ng shabu, at dalawang piraso ng lighter.

Nahaharap na ngayon ang suspek sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

MANDALUYONG CITY POLICE

NOLI AZORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with