^

Metro

Tagaan sa tomaan: 2 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tagaan sa tomaan: 2 sugatan
Tinangkang umawat ni Melano ngunit maging siya ay nataga ng suspek sa kamay. Naawat ng ibang kalugar ang suspek na mabilis na tumakas.
STAR/File

MANILA,Philippines — Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang lalaki habang isa pa ang sugatan makaraang biglang managa ang kanilang kapitbahay habang masayang nag-iinuman naganap sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng tama ng saksak at taga sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan ang biktimang si Marc Ryan Laggui, 24, may live-in partner, technician, at nakatira sa No. 11 Homelidad, Brgy. Marulas habang nagtamo ng sugat sa kamay si Emmanuel Melano, 24, at nakatira sa No. 367 Matiyaga St., Pinalagad, Brgy. Malinta, ng naturang lungsod.

Nadakip ang suspek na si Anthony Junsay, 33, binata at nakatira sa Matipuno St.,, Pinalagad, Brgy. Malinta, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, nag-iinuman ang mga biktima kasama ang ibang kalugar sa may Area 3 Pinalagad, Brgy. Malinta,  dakong alas-9 ng gabi nang biglang sumulpot ang suspek na si Junsay na armado ng itak at patraydor na sinaksak buhat sa likuran si Laggui at pinagtataga.

Tinangkang umawat ni Melano ngunit maging siya ay nataga ng suspek sa kamay.  Naawat ng ibang kalugar ang suspek na mabilis na tumakas.

Isinugod ang dalawang biktima sa Valenzuela City Medical Center habang naaresto si Junsay ng mga tauhan ng Police Community Precinct 4 sa ikinasang follow-up operation. Narekober din ang itak na kanyang ginamit sa krimen na may habang 17-pulgada.

vuukle comment

SAKSAKAN

SUGATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with