^

Metro

Amok sa Las Piñas: 3 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Amok sa Las Piñas: 3 patay
Nakilala naman ang kanyang mga biktima na ang ampon niyang si Reniel Nonato, 16 at kapitbahay na si Danilo Bilog, 35, negosyante.
File

MANILA, Philippines —  Napaslang ng mga ta­uhan ng Las Piñas City Police ang isang lalaki na unang nakapatay sa kanyang ampon at isang kapitbahay, kahapon ng hapon sa naturang lungsod.

Inisyal na nakilala ang napaslang na suspek na si Renan Fulgencio, ng Brgy. Balikatan, ng naturang lungsod. 

Nakilala naman ang kanyang mga biktima na ang ampon niyang si Reniel Nonato, 16 at kapitbahay na si Danilo Bilog, 35, negosyante.

Sa paunang ulat na natanggap ng Las Piñas Police, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa loob ng bahay ni Fulgencio.  Unang pinagsasaksak ni Fulgencio ang kanyang ampon na si Nonato. 

Nagtangka siyang tumakas ngunit nabunggo niya ang kapitbahay na si Bilog na kaniya ring pinagsasaksak.

Nagawa pang makatakbo ni Bilog ngunit hinabol at naabutan siya ni Fulgencio saka ilang beses pang sinaksak bago bumalik sa loob ng kaniyang bahay.

Nang rumesponde ang mga pulis, una nilang ina­kala na hinohostage ni Fulgencio si Nonato kaya naging maingat ang kanilang galaw at nakipagnegosasyon pa sa suspek.

Nang lapitan ng mga pulis ang kinaroroonan ng suspek, bigla umano silang tinangkang atakihin nito na armado ng patalim. Dahil sa panganib sa kanilang buhay, pinaputukan ng mga pulis ang suspek na naging dahilan ng kamatayan nito.

Agad na isinugod sa pagamutan si Fulgencio ngunit hindi na ito umabot ng buhay habang nadiskubre ng mga pulis ang wala nang buhay na si Nonato sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinitingnan ng mga pulis ang anggulong selos sa pamamaslang na sangkot ang kanyang misis at ang ampon. 

vuukle comment

AMOK

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with