Dry run ng provincial bus ban sa EDSA, tuloy
MANILA, Philippines — Itutuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA sa kabila ng kautusan ng korte sa Quezon City na nagpapahinto rito.
Ito ang sinabi ni MMDA Spokesperson Asst. Secretary Celine Pialago habang hindi pa umano natatanggap ang kopya ng utos ng korte dahilan para ituloy ang dry run ngayong araw.
“Since we haven’t received the writ of preliminary injunction, we will push through with the dry run,” ayon kay Pialago.
Nabatid na nagdesisyon na ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 223 na ihinto ang provincial bus ban sa EDSA sa pamamagitan ng isang preliminary injunction.
Una nang sinabi ng MMDA na “boluntaryo” ang dry run kung nanaisin ng mga bus operators na huwag sumali ay maaari naman.
Sinabi rin ng MMDA na handa silang umapela sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) sa oras na matanggap ang kautusan ng korte.
- Latest