^

Metro

Barangay tanod itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 62-anyos na barangay tanod nang tambangan ng riding in tandem habang sakay ng barangay patrol tricycle, sa Bonifacio Drive, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Domingo Ramos, tanod ng Brgy. 670 at residente ng  Bayani Gawad Kalinga, Baseco, Port Area dahil sa mga balang tinamo sa katawan.Sugatan din ang kasama nito na si Poly Dela Cruz, 31-anyos na patuloy pang ginagamot sa nasabing ospital.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Dakong alas- 8:20 ng gabi kamakalawa nang maganap ang pamamaril sa northbound lane ng Bonifacio Drive, malapit sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sakay ng patrol tricycle si Ramos at anak nitong babae na minamaneho ni Dela Cruz nang tabihan ng riding in tandem at saka pinaputukan ng back ride si Ramos.

Tumagos ang tama ng bala sa katawan ni Ramos na pinaniniwalaang tumama rin sa katawan ni Dela Cruz.

Isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima subalit si Ramos ay idineklarang patay alas 4:05 ng madaling araw kahapon (Agosto 2).Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon para alamin ang motibo sa pagpatay at pagtukoy sa mga salarin.

vuukle comment

BARANGAY TANOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with