^

Metro

Fort Santiago, sentro ng photography sa bansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros, Manila ay siyang sentro ng photography sa bansa kung saan nagtutungo ang mga mahihilig sa photography.

Dito ang Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ay nag-aalok ng basic photo course sa mga gustong matuto ng photography at special courses naman sa professional photographers. Sa comprehensive digital photography ang mga baguhan ay matututo ng paggamit ng camera sa loob lamang ng limang araw o 40 oras. Sa special courses naman para sa mga professional photographer ay mapapalawak nila ang kanilang kaalaman sa photography kung kaya’t sila’y nagiging bihasa at maituturing na propesyonal.

May baguhan na gustong matuto ng photography para gawing libangan, mayroon naman ang hangarin ay maging propesyonal upang magkaroon ng mapagkikitaan. Marami sa mga nakapagtapos ng basic photo course ay lumalahok sa mga photo contest at nakapagtamo ng panalo at karangalan.

Sa basic photo course ay mga estudyante pa lamang at ilan ay nasa iba’t ibang la­rangan tulad ng doctor, nurse, advertiser, inhenyero, CPA, negosyante, titser, abogado, may ilang showbiz personalties at may ibang military.

Sa basic, may seminar na ginaganap ng weekends at mayroon namang weekdays.

Ang susunod na 5-Sabadong Basic Photo Course ay magsisimula sa Sept. 21, samantalang sa special courses tulad ng Photoshop for Photographers sa Aug. 3, Lightroom Videography sa Aug. 18, Lighting Essentials, Sept. 1 at Wedding Workshop sa Sept. 7-8.

Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, 2nd Floor, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, tel. 5247576/5240371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.

vuukle comment

FORT SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with