^

Metro

Pulis at sundalo nalambat sa buy-bust

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pulis at sundalo nalambat sa buy-bust
Kaharap ni National Capital Region Police Office Chief Major General Guillermo Eleazar ang isang tauhan ng Northern Police District na si Patrolman Jun Acosta, na nadakip sa isang buy-bust operation kahapon.
Boy Santos

Lima pang drug suspect timbog

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis ng Northern Police District (NPD) at isang sundalo at lima pang tao na sangkot sa droga ang nadakip sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City at Quezon City kahapon.

Iprinisinta sa mga mamamahayag ng National Capital Regional Police Office ang suspek na pulis na si P/Patrolman Jun Acosta, 42-anyos, at nakatalaga sa NPD-District Police Intelligence and Operations Units (DPIOU).

 Nakilala ang kanyang mga kasamahan na sina Vanessa Bayani, alyas “Vane”, 28, ng Rivera Compound, Kaligayan, Novaliches, Que­zon City; Marianne Salas, alyas “Madonna”, 34, at Randy Delos Santos, 37, kapwa nakatira sa No. 457 Dulong Tangke, Malinta, Valenzuela.

  Narekober ng mga pulis ang anim na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang P500 marked money, ang PNP identication card ni Acosta, isang Mio type scooter at Wave type na motorsiklo.

Samantala, isang sundalo at dalawang katao na kapwa umano tulak ng ilegal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tatalon, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr., ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Staff Sergeant Rector Ba­guioso, 43, aktibong miyembro ng Philippine Army (PA)  na nakatalaga sa 68th  Infantry Battalion, Basilanguez, Rizal; Don Samson, 37, at Marilyn Gomez, 28, kapwa residente ng Brgy. Tatalon.

Nabatid na sina Samson at Gomez ay kapwa kabilang sa drug watchlist ng Galas Police Station at siyang target sana ng ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad dakong alas-6:10 ng umaga sa Leo St., Elga, Brgy. Tatalon.

Nang mag-positibo ang operasyon at makabili ng shabu ang police poseur buyer mula kina Samson at Gomez ay kaagad nang dinampot ang mga ito.

Kaagad na ring inaresto ng mga awtoridad si ­Baguioso matapos na maaktuhang bumibili ng isang pakete ng shabu sa mga suspek at matukoy na regular kostumer pala ng mga drug suspect.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na pakete ng shabu at buy-bust money.

ILLEGAL DRUGS

JUN ACOSTA

NORTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with