3 tiklo sa pot session
MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki matapos silang maaktuhang bumabatak ng shabu ng mga otoridad sa loob ng Pasay City Cemetery nitong Sabado.
Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na sina Mark Anthony Benitez Paular, 26; Jerico Jumandos Lebrino, 30; at Romualdez Aquino Villaruel, 36.
Sa ulat ng Pasay City Police, nagpapatrulya ang mga pulis sa loob ng naturang sementeryo nang maispatan ang isang barung-barong kung saan nang sipatin ay dito naaktuhan ang tatlo na nagsasagawa ng kanilang pot session.
Agad na inaresto ng mga pulis ang tatlong suspek habang nakumpiska mula sa mga ito ang isang sachet ng shabu at drug paraphernalias.
Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
- Latest