^

Metro

Frat member guilty sa obstruction of justice

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Frat member guilty sa obstruction of justice
Si John Paul Solano, mi­yembro ng Aegis Juris Fraternity matapos hatulan sa kasong obstruction of justice kaugnay dsa pagkakapas­lang kay Atio Castillo sa naganap na ha­zing ng nasabing fraternity noong 2017.
Edd Gumban

Sa Atio Castillo case 

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14 na makulong ng apat na taon  ang isa sa mga miyembro ng  Aegis Juris Fraternity na si John Paul Solano bunsod  ng obstruction of justice  sa pagkamatay sa hazing ng  University of Santo Tomas freshman law student na si  Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Batay sa desisyon  ni MTC Judge Carolina Esguerra, ang sentensiya kay Solano ay dahil sa pagbibigay nito  ng affidavits kung paano dinala si  Castillo sa Chinese General Hospital matapos ang initiation rites.

Sa unang affidavit ni Solano sa Manila Police District (MPD) noong September 17, 2017, sinabi nitong hindi niya kilala si Castillo at natagpuan lamang niya itong nakabulagta sa kalsada kaya’t  dinala niya sa ospital.

Taliwas naman ang na­ging pahayag ni Solano sa kanyang ikalawang affidavit sa pagsasabing pinakiusapan niya ang kanyang mga kasamahan sa fraternity na dalhin na sa ospital si  Castilo matapos na mag-collapse.

Isinagawa ang initiation rites sa library ng  Aegis Juris Fraternity noong Setyembre 17, 2017.

Ang ibang miyembro ng  fraternity ay nahaharap sa kasong  homicide  at paglabag sa Anti-Hazing Law.  

Samantala, sinabi naman ni Minnie Castillo, ina ni Atio, ang conviction ni Solano ay isang hakbang para sa  hinahangad  nilang hustisya.

“We are very happy with the conviction of obstruction. This is what we’ve been saying that they are guilty of obstruction, they concealed, they lied,” ani Ginang Minnie Castillo.

AEGIS JURIS FRATERNITY

HORACIO ‘ATIO’ CASTILLO III

JOHN PAUL SOLANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with