^

Metro

Journalist inutas sa QC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Journalist inutas sa QC
Ang biktima ay unang naiulat ng Quezon City Police District (QCPD) na unindentified pero kahapon ng umaga ang kinilala ito na si Adam Moraleta, 45, residente ng Marcelino St., Brgy.Holy Spirit, Quezon City.

MANILA, Philippines — Isang journalist at aktibong miyembro ng National Press Club (NPC) ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Ang biktima ay unang naiulat ng Quezon City Police District (QCPD) na unindentified pero kahapon ng umaga ang kinilala ito na si Adam Moraleta, 45, residente ng Marcelino St., Brgy.Holy Spirit, Quezon City.

Si Moraleta ay dating empleyado ng Pahayagang Remate at bago ito pinatay ay sinasabing freelance account executive ng Daily Tribune at Saksi.

Ayon kay QCPD Director P/Brig.  Gen.Joselito Esquivel Jr, isang nagpakilalang anak ng biktima na si Jaered Kenan Moraleta ang kumilala sa nasawi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, si Moraleta ay pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na naka-suot ng itim na jacket noong Huwebes ng alas-7:25 ng gabi sa Marcelino St., Brgy. Holy Spirit.

Ayon sa isang testigo, nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang tingnan nito kung saan galing ang putok ay nakita nitong duguan nakabulagta ang biktima  at papaalis sa lugar ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Agad inireport ng witness sa kanilang barangay ang kanyang nasaksihan na siyang tumawag ng mga imbestigador.

Base sa ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay nagtamo ng tatlong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan na siyang dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Tiniyak ni Gen. Esquivel, na lahat ng anggulo ay kanilang sisilipin para mabatid ang motibo ng krimen at mabigyan ng katarungan ang ginawang pagpatay sa biktima.

ADAM MORALETA

NATIONAL PRESS CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with