^

Metro

EDSA, C-5 tinaguriang ‘deadliest road’ sa Metro Manila

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
EDSA, C-5 tinaguriang ‘deadliest road’ sa Metro Manila
Nasa bingit ng panganib ang mga batang palaboy na ito na ginagawang tulugan ay ang center Island sa EDSA sa Cubao, Quezon City. Nakapagtataka lang kung bakit hindi ito napapansin ng mga awtoridad at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Mariing pinag-iingat ng Metropolitan  Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang bumabagtas sa EDSA at C-5 Road dahil itinuturing na itong ‘deadliest road’ sa Kalakhang Maynila dahil sa maraming aksidenteng nagaganap dito. 

Ayon kay MMDA traffic czar Bong Nebrija,  mas ma­rami aniyang aksidente ang nagaganap sa nabanggit na mga kalsada lalu na sa gabi at madaling araw.

Base sa tala ng MMDA, nabatid na noong 2018, nasa 72 ang fatal accident ang naganap sa C-5 Road; 21 sa EDSA;17 sa Roxas Boulevard; 11 sa McArthur Highway at samantalang sa Commonwealth  Avenue ay 10 ang naitalang  fatal accident.

Itinuturing ang Commonwealth Avenue “killer highway” at sa ngayon ay nasa pang 5 na lamang ito bilang  ‘deadliest road’ sa Metro Manila.

Ilan sa mga sanhi ng aksidente, ay dahil sa over ­speeding ng mga driver, na kadalasan ay nakainom at hindi nakontrol ang preno.

Ayon sa MMDA ay self- induce  ang mga aksidenteng naitala nila nitong 2018.

Sa kasalukuyan ay ipinatutupad ng MMDA ang 60kph driving policy at speed para maiwasan ang aksidente.

Kung kaya’t nag-order na aniya ang ahensiya ng mga speed guns para ma-detect aniya ang bilis ng mga sasakyang dumadaan sa C-5 Road at EDSA.

Inamin naman ni Nebrija, na hindi nila mababantayan ng 24-oras ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil hanggang alas-10:00 lamang ng gabi ang duty ng kanilang mga traffic enforcer.

Panawagan ni Nebrija sa mga motorista, na pairalin aniya ang disiplina sa mga kalye upang maiwasan ang aksidente na kadalasan ay nauuwi pa sa trahedya.

Samantala, matinding trapik ang nararanasan ng mga motoristang bumabagtas sa Marcos Highway matapos isara nitong Sabado (Mayo 25)  ang Marcos Bridge bunsod nang isasagawang rehabilitasyon dito, na aabutin ng apat hanggang limang buwan.

DEADLIEST ROAD IN METRO MANILA

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with