Fil-Am, timbog sa liquid marijuana
MANILA, Philippines — Arestado ang isang Filipino-American matapos niyang i-claim ang 30 pirasong vape cartridge na may lamang liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Kinilala ang suspek na isang Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA at nakatira sa Merville, Parañaque City, na sinasabing may-ari ng kargamento galing China.
Ayon sa ulat, dumaan sa inisyal na pagsusuri ng Customs at PDEA ang mga cartridge na idineklarang chocolate.
Ang 30 pirasong vape cartridge ay positibo sa liquid marijuana na may street value P45,000 at sinasabing ipinadala ng isang Michael Arash Abedzadeh ng Shanghai China.
Si Alfonso ay pansamantalang pinigil ng PDEA sa Central Mail Exchange habang pinoproseso ang final lab-test sa nasabing package.
- Latest