Quezon City fire: 70 pamilya nawalan ng tahanan

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 70 pamilya ang nawalan ng bahay nang tupukin ng apoy ang may 45-tahanan at mga commercial establishments sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:00 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa tahanan ni Jefferson Fernandez.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung posibleng electrical problem ang sanhi ng sunog.
Lumilitaw na walang tao sa bahay nang sumiklab ang sunog kaya’t posible umanong may mga kasangkapan na naiwanang nakasaksak.
Umabot ng ikatlong alarma ang sunog, na mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan na gawa sa light materials.
Dakong alas-5:20 ng madaling araw nang maapula ang apoy.
- Latest


















